Scam Ba si PaysUpGen at MCM? Alamin Bago Sumali!

Ugaliing magbasa bago sumali sa isang Company

Nag start ang PaysUpGen after nasira ang PaysUp noong May 2019 dahil daw sa Nanakaw ang Pera ni PaysUp noon. Binago lang nila ang pangalan nito kasi iba na ang CEO na si Mary Chiles Mendoza then eventually binago na naman nila ito na MCM na obvious naman na hango sa pangalan ng CEO. Scam Ba si PaysUpGen at MCM? Alamin Bago Sumali!

Ano Ba si PaysUpGen at MCM?

Isa ako sa mga leaders noon sa PaysUp na kumikita na rin ng malaki weekly. Noong biglang di nag payout, nagkagulo talaga kung bakit. Tapos lumabas ang balita from the management na ninakaw nga daw pera nila sa I.T. at sa dating CEO. Pero until now di naman namin nababalitaan kung nakasohan ba nila ang mga ito. Kung totoo at may proofs sila, dapat nahabol na nila ang mga ito. Pero wala naman. Kaya hindi rin mapapatunayan kung ano talaga ang tunay na nangyari.

Noong nag May 2019 nagpapalabas sila ng bagong complan na may twist lang naman ng konti. Pinapagawa kami ng 3 min video at mananalo daw ng p10,000 hahaha (hindi naman natuloy yung contest). Gumawa ako talaga cos may youtube channel naman ako kaya lumaki agad ang network. At may dinagdag pa sila na ELITE at PREMIUM accounts na kung saan double ang balik after 100 days. Pero sad to say wala pala talagang Capital ang company. Dumagdag lang sa Back logs yung na build ko na team at mas nadagdagan pa tuloy ng mga reklamo sa team ko dahil hindi nakapag payout.

Patuloy po ako na lumaban noon at pinagtanggol ang company kasi po nag tiwala ako sa CEO na inako nya lahat ng nawala sa PaysUp. In fact, may nag comment na sa youtube video ko na bayaran daw ako ng company kasi depensa ako ng depensa.

Noong mga June or July, nagsimula sila sa Antipolo. Hatawan talaga sila kaya marami na namang mga tao na bago sa PaysUp or PaysUpGen na pala. (Same company po yan)

Dahil hindi nila ipayout ang team na hindi gumalaw, nagpapakita ako sa Grand Upline namin na gumalaw ako para lang makapayout yung team. Kaya naka payout naman yung iba. Pero panandalian lang kasi tumigil din mga bandang August.

Noog nagka contract ang company sa isang malaking company na may mga hotels at resorts, binago nila ang pangalan nito ng MCM. Nagpa invest sila ng P50,000 sa MCM Diamond na babalik daw P80,000 tapos dami din namang nabaliw o nagpaka tanga na naglabas ng pera nila pero natigil din ang payout. Binago nila into MCM Monoline na P1500. yung hindi nabayaran sa Diamond pina convert into Monoline pero natigil din ang bayaran kasi nga wala pala talagang Capital.

Hanggang na confirm ko Duda ko sa isang Reliable Source na ginamit pala nila ang pagpapa invest like Elite, Premium, Diamond at Monoline para makalikom ng pera at yun ang ginamit sa iba like pag order ng products at pag payout ng unti unti sa backlogs na pili lang naman nila kung sino ang bigyan.

Mga MEMOs na Palpak

Ang Memo ay isang mensahe para sa ipapatupad ng isang kumpanya. Maraming beses na po na naglabas sila ng memo simula pa noon nagbago ang management. Naglabas sila to inform na pwede nang mag encash. Meron ding pwedeng iconvert ang payout to products. Lalo na yung pag release ng payouts. Lahat po ay hindi natutupad. May natupad man sa pag convert pero hindi po lahat nabigyan kasi naubosan daw sila ng products.

Hanggang ramdam na lang ng iba na para lang siguro kakalma ang mga tao at hindi mag reklamo kaya nag labas ng Memo. Ang latest Memo na natanggap namin ay yung February 3 na naman na mag Refund. Pero walang makapag patunay na may nakatanggap sa amin.

Tungkol naman sa Payouts

Ito yung Encashments history. Marami pa talagang Unpaid

May mga June pa yan na di ko na lang sinali dahil hahaba na dito. Ito na lang sa baba of which marami pong nagrereklamo kung bakit nilagyan ng PAID pero di pa naman talaga bayad.

Halos mag isang taon na ang backlogs ng company pero patuloy silang nag papapasok ng mga bagong myembro sa MCM Binary naman nila.

Iisa lang po ang PaysUp, PaysUpGen at MCM. Binabago lang nila ang pangalan. Hindi sila tumutupad sa Memo nila na magpayout na. Laging may rason. Laging may delays pero hindi natutupad.

Kawawa yung mga sumali sa Monoline at Diamond nila cos hindi talaga naka payout or kahit man lang ibalik ang pera. Yung mga nag Elite at nag Premium din. Sabi nila may products naman pero subrang dami din ang hindi nakatanggap ng products kasi wala daw silang stocks. Pero makikita mo na may binibenta sila. Di ba panloloko yun?

May chat din mismo ang CEO na wala pang funds pero bakit patuloy silang nagpapapasok ng bago? Para maka kolekta? Para may pang capital sila? Sinong kawawa?

Magtitiwala ka pa ba sa kanila? Tingin mo SCAM sila o Hindi?

Sasali ka pa ba kahit wala silang Funds? Sasali ka pa ba kahit marami kaming hindi bayad? Sasali ka pa ba na kapag napag initan or magreklamo ka ay hindi ka isasali sa listahan ng payout? Yung masisira na lang pangalan mo dahil sa kanila? Yung pati ikaw ay matawag na scammer dahil sa pag depensa mo sa kanila? Yung hindi man lang na appreciate yung effort mo para matulongang pakalmahin ang mga tao?

At ang pinaka matindi yung alam nila na Hindi nila kayang magbayad pero patuloy na manloloko ng tao para maka likom ng pera na syang gagamitin pang payout at kapag time mo na mag payout ay wala na namang funds?

Think Thousand Times po bago sumali.

AIOP Response

Enter your email to get the details

Powered by AIOP Response
More Info Privacy Policy