Sana Makakarating sa Pangulo ang mga hinaing ng mga tao

Laking Pasasalamat Ko na Si Tatay Digong ang naging Presidente ng Pilipinas. Talagang malaking kaginhawaan na may maraming improvements na sa pamahalaan kahit hindi masyadong ibinalita ng mga TV Stations ang mga nagawa nya, basta bukas lang ang mga mata sa mga pagbabago ay hahanga talaga tayo. Pero sa pangyayari ngayon sa Covid-19 at sa tulong na gustong ipaabot ng mahal na Pangulo sa mga tao ay marami pa rin ang mga galamay na nakakasira sa ating Pangulo. Gustohin man nya na matulongan lahat, ito’y hindi buo na matutupad dahil sa mga taong walang puso at mga taong halang ang kaluluwa kapag pera na ang pag uusapan. Sana Makarating sa Pangulo ang mga Hinaing ng mga tao.

Ang sarap pakinggan ng mga sinabing plano nuong makita mo ang video ni Senador Alan Peter Cayetano kung paano ipamimigay ang tulong na pera para sa mga tao. Parang ang dali at smooth na makakarating sa mga tao ito. Pero hindi po ito natutupad. Lalong lalo na sa malalayo. Walang nabigyan na maayos nito. Marami kang mababasa sa social media na mga taong pinapahirapan pa sa mga Barangay. Yung may bibigyan sa kapitbahay pero sila hindi. Yung namimigay sa ibang Barangay pero yung kanila ay hindi. Isa na po yung ina ko nito. Nag iisa lang sya ngayon sa bahay namin sa probinsya sa San Carlos City, Negros Occidental. Malayo ako. 82 years old na sya at bawal lumabas ang 65 years old pataas ng 24 hours. Wala syang mautosan. At kahit sa tulong na sinabi ng Presidente ay hindi sya nakatanggap. Ni walang balita kung ano ba talaga. Wala silang form. Yes! may pension sya pero maliit lang na kung saan hindi nga kasya sa kanya. Only p4,000 plus monthly. Saka kahit may pension sya dahil sa edad nya at bawal lumabas, makakatulong ba ang pera sa ganitong sitwasyon? Di ba, HINDI! Sino pala ang mag aalaga sa lahat na matanda na walang mga anak na kasama sa bahay nila sa ganitong sitwasyon na hindi sila pwedeng lumabas? Anong kakainin nila? Paano sila maka pamili? Anong gagawin kung wala ng maluto o makain? Di ba dapat ito yung tutokan ng Barangay kung paano sila mabigyan ng makakain sa araw araw habang may lockdown pa? Anong pong gagawin nila? Sana Makarating sa Pangulo ang mga Hinaing ng mga tao.

Ano pala itong nababasa namin na patakaran? Kasama naman ang Senior Citizen pero April 14 na po walang natanggap ang mama ko.

PAKIBASA PARA WALANG AASA !!! (NOTE: Copied po sa naka Post sa Facebook ito with the Picture)

SOCIAL AMELIORATION PACKAGE FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQS) tagalog Version

BASAHIN PONG MABUTI AT INTINDIHAN, PARA HINDI PO MAGTATAMPO ANG MGA HINDI KASALI:

Hindi po lahat ng tao ang makakatanggap ng Social Amelioration Fund. Dapat malaman po ng lahat ang guidelines kung sino ang pwedeng makatanggap ng 5K to 8K pesos na assistance galing gobyerno.

UULITIN KO NA HINDI PO LAHAT ANG PWEDENG MAKATANGGAP NG GOVERNMENT SUBSIDY.

Ang Pilipinas po ang merong TOTAL 24.6 MILLION na pamilya pero ang pwede lang makatanggap ay hanggang 18 MILLION na pamilya. Sa loob ng dalawang buwan (APRIL at MAY 2020) na government subsidy.

According po sa JOINT MEMORANDUM CIRCULAR No. 1 SERIES of 2020::

Ang pwede lang makatanggap ng tulong PER FAMILY (hindi po per household), ay ang mga sumusunod:

1. Kung merong Person With Disability (PWD) sa pamilya

2. Senior Citizens

3. Kung merong Buntis or nagpasuso sa Pamilya

4. Solo Parents

5. Mga Overseas Field Workers na naistranded sa Pilipinas dahil sa COVID19

6. Indigent IPs

7. NO work NO pay workers

8. Mga kasambahay

9. Occassional workers o mga trabahador na binabayaran ang serbisyo pag tinatawag panandalian

10. Mga nagtatrabaho sa mga food processing na ang sweldo depende sa dami ng kanyang nagawa

11. Driver ng Pedicab, tricycle, jeep, taxi na ang me ari ay ibang tao

12. May ari ng maliit na sari ari store

13. Tagahugas ng plato sa carenderia

14. Nagbebenta ng mga prutas at gulay

15. May ari o nagtratrabaho sa carenderia

16. Tagatinda at nagtatrabaho sa ukay ukayan

17. Street vendors

18. Farmers

19. Fisherman

20. Construction workers na natigil ang trabaho dahil sa COVID19

21. Karpentero na ang kita ay depende sa dami ng natapos na trabaho

22. CAFGU

23. JOB ORDERS

ANG MGA HINDI PWEDENG MAKATANGGAP NG SOCIAL AMELIORATION FUND NA SUBSIDY GALING SA GOBYERNO DAHIL SA COVID 19 CRISIS.

1. REGULAR EMPLOYEES SA NATIONAL AGENCIES

2. REGULAR EMPLOYEES SA CITY HALL

3. REGULAR EMPLOYEES SA MUNISIPYO

4. REGULAR EMPLOYEES SA KAPITOLYO

5. MGA MAESTRA At MAESTRO

6. REGULAR EMPLOYEES SA KORTE

7. EMPLOYEES SA MGA OPISINA NA TUMATANGGAP NG MINIMUM WAGE KADA ARAW

8. MGA PINILI Na OPISYALES SA BARANGAY,LUNGSOD, SIYUDAD, PROBINIYSA UG ANG MGA KONGRESISTA

9. MEMBRO SA 4PS

10. POLICE

11. SUNDALO

ANO ANG DAPAT GAWIN?

– MAG FILL UP ng FORM PARA MAKAKUHA NG SUBSIDY. ANG FORM IHAHATID SA INYONG BAHAY. ANG BAWAT FORM AY MERONG BAR CODE KAYA HINDI ITO PWEDE IPA XEROS. ANG 4PS MEMBERS HINDI NA DAPAT SUMALI AT MAG FILL-UP NG FORM

– ANG TAGA DSWD AT ANG MGA OPISYALES NG BARANGAY AT IBA PANG MGA REPRESENTATIVE NG IBA’T IBANG AHENSYA NG GOBYERNO ANG MAGDADALA NG MGA FORMS SA INYONG BAHAY. HINDI PO KAYO DAPAT MAGPUNTA SA DSWD OFFICE.

NOTE:

1. Kung meron barangay officials na namimili kung sino lang ang kanilang bibigyan at ginagamit ang pamomolitika sa panahon na bigayan ng official list at mapatunayan, irereklamo sa dilg at mapapatawan ng kaso.

2. At kung me nakalusot, makakatanggap lang ng isang buwan at sa susunod na buwan hindi na niya ito matatanggap at maba blacklist siya at kelan man hindi na maisasali sa mga list of beneficiaries na ibibigay ng gobyerno.

#SOURCE: DSWD
#CTTO
#CopyPasteAwareness

ANO BA TALAGA DSWD? AYAW NYO PANG SUMAGOT SA TAWAG SA TELEPONO TAPOS AYAW NYO NAMANG TUMANGGAP NG WALK IN

Alam ko na hindi masyadong kilala itong Blog ko pero nangarap lang ako na makakarating ito sa Pangulo, hindi lang para sa akin kundi para po sa lahat ng inaapi sa financial na tulong na ito. Lahat po tayo apektado. Lahat po naghihirap sa panahon na ito at lalong lalo na mga matatanda at mga no work no pay ngayon. Pero hindi po pantay pantay ang pagbibigay nyo ng tulong sa mga tao. Kung sinuman po ang mga may mali sa pagpapatupad nito, sana po matakot naman kayo sa Diyos dahil nakikita nya lahat mga ginagawa ninyo. May kabayaran din mga ginagawa ninyo ngayon. At Sana Makarating sa Pangulo ang mga Hinaing ng mga tao.

p