Hindi madali ang pagbebenta Online. Dapat alam mo kung paano at saan mo sya ilalagay. Marami na ngayong Social Media na kung saan ay pwede ka nang magbebenta. Anong maganda sa Pagbebenta Online Na May Sariling Website o Online Store?
Bakit Online Store?
Bakit iba kung may sarili kang Online Store? Kasi po kung may sarili kang online store, mas mapabilis po yung lahat ng transactions mo. Tulad ng orders kung ano anong mga products ang binili at kung saan ideliver ay nandoon na lahat ang info. At diretso na rin sa bayaran ang website mo. Magiging madali ang pag asekaso mo sa lahat ng mga ideliver. Ang maganda pa nito ay presentable yung paninda mo. Lahat ng detalye na para mas makakakuha ka ng mga bibili ay doon mo na ilalagay. Kahit pa video at mga larawan ng nakakagamit na.
Gaya na lang ng Store na ito (picture below). May mga button na ng ADD to Cart kaya makapili sila ng mga produkto na gusto nilang bilhin.

May mga detalye na rin kung gaano karami or kalaki nito. May detalye din kung para saan naman ito

At pwede mo pang lagyan ng testimonies ng mga nakabili na sa iyo.

At ang pinakamaganda nandito na rin yung inventories ng mga produkto mo. Kung ilan na ang nabenta at ilan na lang ang kulang.

Pwede ka ring gumawa ng Blog para sa mga produkto mo para mas makakakuha ka pa ng maraming tao na makakakita sa website mo. Tulad nito.
