OPEN LETTER TO THE CEO OF PAYSUPGEN/MCM

Dear Madam CEO,

Noon po ay hanga ako sa inyo kasi ipinaglaban ninyo yung PaysUp. Nagawa ninyong buohin ulit ito at tumayo ka bilang bagong CEO ni PaysUpGen.

Isa po ako sa lumaban noon. At ipinaglaban ko po kayo pati na ang company na mapapatunayan ko yan sa Youtube Channel ko. Na kahit anong batikos ay sinasagot ko ng maayos at ipinaliwanag ng maayos sa kanila para mas maintindihan ng mga PaysUp members. Na kahit hanggang sabihan na lang ako na Bayaran ng company dahil subra ang pagtatanggol ko.

Pero di na po kaya Madam. At hindi po kasi kayo mahahagilap para sumagot sa mga tanong. Hindi kayo nagpapatawag ng meeting sa mga leaders para mag explain at pinipili nyo lang yung nasa leaders GC para maitago or di malaman ng mga tao ang katotohanan. Na halos isang taon na puro pangako tayo. At ang worst pa, hindi po kayo lumalabas para magpaliwanag. Puro MEMO na hindi natutupad. At mga alepores lang na puro wala namang mga MODO at asal kalye mga pag uugali. Hindi po kagaya ng ibang company na handang harapin ang mga tao. Kasi po karapatan din po namin na malaman ang tunay na status ng company.

Isa isahin po natin kung bakit naubos na po ako sa pagpapasensya.

#1 na Rason talaga ay yung pagsabi na sa pangalan ko na hindi isali sa listahan mga nasubmit ko. Hindi pwedeng sabihin na pinapalaki ko lang ito Madam dahil Mano-mano or manual po paglilista ninyo sa irerefund. At nasa dulo ng ballpen lang yan kung sino ang gusto nilang unahin or hindi isali. Naranasan na namin yan sa Product refund. WALANG NAIBIGAY SA TEAM KO KAHIT ISANG KAPE MAN LANG. At marami po ang umaasa sa akin bilang LEADER nila.

#2 Yung hindi po pagtutupad sa mga MEMO. Parang pampatay oras lang ang mga MEMO. Yun bang pampakalma sa mga tao at mag antay sa Date na sinabi pero pagdating ng Date WALA na naman.

#3 Yung Hindi pagsagot or pag explain kung meron or wala or ano ba talaga? Kasi Networking po ito. Dapat nga nagpapatawag kayo ng meeting sa mga leaders. Hindi yung puro admin lang kasi di naman nila pinapasa din sa mga tao mga dapat ipaalam. Parang pinapaikot lang kami sa kung ano ang tunay na sitwasyon. Tapos pagagalawin na parang mga bulag at nakapiring lang ang mata kung saan nyo dalhin.

#4 Yung idadamay pa rin ng alepores ninyo si Joed Baron na kung saan PaysUpGen na po tayo. Sabi nyo pa nga di na damay ang PUG di ba. Starting noong June or July na nag start sa Antipolo at Cebu. Na kaming humataw noon ay new blood na talaga pero wala pa rin. Mas dumami pa ang backlogs dahil sa maling pag implement ng Elite at Premium. PUG na yan di ba? Kaya di pwede ang sagot sa GC na habolin si Joed.

#5 Patuloy po tayong nagpapapasok ng payins through sa bagong pangalan na MCM. Kahit alam nyo naman po na wala kayong funds. Walang Networking company po na tatagal kung aasa sa Payins at kawawa po mga bagong biktima na aasang kikita sila tapos sa huli pala di na naman maka payout.

Di po lahat ng tao gaya noong isang babae dyan na naka payout dahil may payin LOL . Na kahit alam niya na walang funds, patuloy syang manloloko sa kapwa nya. Walang konsensya na paaasahin yung tao na kikita sa MCM tapos bandang huli ay di rin pala maka payout.

Nangyari yan sa Antipolo at Cebu Madam di ba? Yung humataw kami, in fact, kasali po ako kasi nga leader ako. Dami ko pong napasok sa may Product PROMO na Entry na Walang Product until now na nakuha. Kahit anong follow up ko sa products ng team walang dumating. Kahit sabi ko na ipick up na lang sa Cavite Center, na muti na lang mga mata namin, Walang dumating.

Madam, kung may konsensya po kayo at ALAM mo talaga na Walang Funds at Walang Pag Asa, ay huwag na pong mandamay ng iba. Kung sakaling makakabangon talaga kayo, Handa nyo muna yung FUNDS ng MCM ninyo bago kayo pahahataw sa MCM Binary. Kasi po patong patong na po Backlogs ng Company. At hindi rin naman kayo uunlad sa MCM kung marami kaming magbibigay ng masamang feedback sa mga tao. Harapin nyo po kami. Isang Video CONFERENCE Call Away lang po tayo ngayon. Announce nyo lang po at magbigay ng link para maka attend mga Leaders. ONLINE BUSINESS nga di ba? Have Courage po na Humarap kasi po Lahat ng CEO sa ganitong sitwasyon ay Humaharap po talaga. Para maintindihan ng mga tao at hindi yung puro Pa asa na lang sa WALA.

Salamat po kung binasa nyo ito.

Ginawa ko po ito para po sa Lahat ng PaysUp/PaysUpGen/MCM Members

Sana po ay may kasagotan ito. Reply lang po sa baba ng link nyo kung saan kaming lahat ay makakabasa po.

SALAMAT ULIT. At umaasa kami na makaka REFUND man lang yung mga taong naghirap na ibayad sa company ang perang pinaghirapan nila.

Want To Earn Real Online? Fill Up Below

AIOP Response

Enter your email to get the details

Powered by AIOP Response
More Info Privacy Policy