Anong Gagawin During Quarantine?

Alam ko na marami sa atin ang natatakot sa sitwasyon natin ngayon. May iba na ina atake na ng nerbiyos or anxieties. Pero kailangan natin itong labanan. Kaya ko ginawa ang blog na ito kung Anong Gagawin During Quarantine?

Una sa lahat huwag kalimotang mag Dasal. Kasi po si Jesus ang Healer po natin. Siya lang po talaga ang nakakaalam kung kailan matatapos ito. At sya lang din ang makapag Protect po sa atin dahil hindi po natin nakikita ang kalaban natin ngayon. Kaya Dasal lang po at mananalig sa Kanya.

Next ay gamitin ang oras sa may katuturan na gawain. Huwag pong mag Focus sa mga balita. Kasi po negative na ang paligid, pati utak mo ay mag negative kung doon ka naka Focus. Dapat huwag nang manonood ng balita. Enough na yung alam mo na may Quarantine. Na bawal lumabas pero huwag na pong ilagay doon lahat ng oras mo. Tulad ng sa social media, huwag mo nang ishare sa timeline mo yung mga balita tungkol sa virus. Dapat puro positive yung ilagay mo doon at skip mo na yung mga tungkol doon.

Instead na yun ang panay na panoorin mo, gawa ka na lang ng mga gawaing bahay or gawin itong mga sumusunod.

Una, mag aral ka ng instrument. Kahit anong instrument gaya ng piano or guitar or ukelele. Para mas sasaya yung pakiramdam mo at makalimotan mo kung ano yung problema sa paligid.

Pangalawa, mag paint or drawing ka. Pwedeng charcoal or acrylic painting. Para may matutunan ka pa hehehe.

Pangatlo, magtanim ng gulay. Kasi kailangan po tayong kumain na masustansya at mas nakakasiguro tayo na walang chemical kung tayo ang magtanim. Makakatipid ka pa kasi nasa bakuran mo na yung gulay.

Please watch video below. Thanks

Comment lang po sa baba kung anong Topics pa ang gusto nyong i-Blog ko. Salamat sa pag bisita po.

Fill up the Form on Top Right for FREE Trainings on How to Earn Online.